|
family.
acads. thesis. council. tibak life. ksup. friends. OrgASM. future. AK. dreams. non-existent lovelife. social life. graduation. household chores. personal life. almost non-existent spiritual life. hay. nitong mga nakaraang araw ay nagkakaroon ako ng panic attack. parang nito lang nagsink in sa akin ang lahat ng dapat maaccomplish ngayong semestre... ngayong bago umalis sa UP. ngayong bago humarap sa masalimuot na mundo... in less than 5 months, layunin kong magampanan lahat ng papel ko sa iba't ibang aspeto ng buhay ko... ang pagiging mabuting estudyante [na actually ay di pa tuluyang nakabitaw sa pangarap para sa magulang na mag-laude. hay.], ang pagproduce ng isang matinong thesis para makagraduate, ang pagiging matinong council officer at responsableng tibak, ang pagiging maasahang org member, ang pagiging mabuting kaibigan sa mga kaibigan ko, ang pagkakaroon ng social life kahit papano, ang paggawa ng mga gawaing bahay, ang pagkakaroon ng maayos na komunikasyon sa pamilya ko, ang pagtukoy kung ano ba talaga ang gusto kong gawin sa buhay ko, ang mapanindigan ang tinanggap na resposibilidad sa kasama, ang pagbabalik ng utang na loob at pagmamahal sa AK, ang paghahanap ng ikasasaya, at ang pagkakaroon ng oras para magmuni-muni... shet. sa puntong ito, medyo kinakabahan na talaga ako. ayokong may mawala sa lahat ng yun. ayokong may mapabayaan. alam kong mas mabibigyang halaga ang iba kaysa sa iba. pero ang kinakatakot ko ay yung totally mawala ang ilan. ewan ko ba kung ano ang iniisip ko at ginugulo ko nang ganito ang maayos kong buhay. akala ko siguro kaya ko. akala ko siguro kaya ko ng balanseng buhay. akala ko siguro. shet. sana tama ang akala ko. natatakot akong hindi makagraduate. [dahil sa puntong ito, parang biglang ayoko pa. dahil sa maraming dahilan... dahil kulang pa ang natutunan ko. dahil marami pang magagawa. dahil nahuli ang pagkamulat ko.] natatakot akong mabigo ang magulang ko. natatakot akong mabigo ang sarili ko. natatakot akong mawala ang mga kaibigan ko. natatakot akong mabigo ang mga taong tumulong nang malaki sa pag-unlad ko. natatakot akong makalimutan ko ang mga pangarap ko. natatakot akong hindi magampanan ang mga responsibilidad. natatakot akong walang magawa para sa kanila. hay. shet. sana tama ang akala ko. |
| Leave a Comment: |