|
haha! ang drama.. wala lang. dahil wala akong magawa, nagrereminisce ako ng mga pangyayari nung past UPM SC Elections... eh kasi naman. naasar ako nang sobra sa mga narinig ko kaninang umaga... sa talk about being in the SC in UPM... tips on how to enter UPM Politics, perks and sacrifices, etc... nakakaasar... for someone who had a lot of experience in the SC (who's almost bragging about his credentials), it was so disappointing (though i was quite expecting na that i'd be disappointed!)... ang sabi ba naman niya, ang pinakamalaking benefit sa pagiging part ng SC ay yung mas magiging close ka sa mga profs mo at mas mabibigyan ka nila ng consideration! sheeettt! watda! talk about "pagiging GANAP NA ISKOLAR NG BAYAN!"
asar! how could he say such thing when there are a lot of other good things that come with being part of the SC? andyan ang madedevelop ka talaga nang husto as an individual at madami kang marerealize about yourself. andyan ang mas alam mo ang mga nangyayari sa loob at labas ng UP. Andyan ang mas malapit at mas lubog ka sa mga estudyante. Andyan ang may venue ka para magcause ng tunay na pagbabago. Andyan ang mas kita mo ang kabulukan ng sistema at mas gugustuhin mong may mabago. At andyan ang marami pang iba! Bakit yun na ang best na masasabi niya? Ganun lang ba talaga kababaw yun para sa kanya? hay. how sad. how pathetic. sana kapag nabigyan man ako ng ganung opportunity to tell people about my council experience, sana i wouldn't tell it the way he did... no, hindi pala sana. i know i wouldn't tell it the way he did. i just know. hindi ganun kababaw ang pagtingin ko sa student leadership. hindi pansariling kapakanan lang. hay. wala lang. asar lang. napakabaluktot. :( |
| Leave a Comment: |