Entry: palawan summer... Monday, April 23, 2007



in a few hours eh tutungo na kami sa palawan...

Big Smile  cry  Hurmph

halo-halong emosyon. minsan naman walang emosyon.

sana maging masaya at memorable at maayos ang aming practicum sa palawan.
sana maraming magagandang pictures at moments.
sana hindi mataray si mam equa at mam che.
sana makalakad ako sa bigat ng bagahe ko.
sana maging maganda ang relasyon namin sa mga tao sa community (Tagbanuas). sana mas maging close kaming 9 sa practicum na ito.
sana walang magkaasaran.
sana may magkadevelopan (yikee! hmmm...).
sana may makamiss samen.
sana may mga magtext sa onting panahon na may batt ang mga cellphone namen.
sana marami kaming panahon para makapamasyal, magswimming at magbonding.
sana mainspire ako makaisip ng topic after ng practicum.
sana wag mabadtrip si sir roli.
sana maging mabait at wholesome si sir abe.
sana hindi masyadong malaki ang maging gastos namen.
sana magawa namin nang maayos ang census.
sana maging safe kami sa malaria at sa kung ano pa mang danger doon.
sana magkaron ng party sa birthday ni jobel.
sana wag magyosi si shalma at jen sa 27 days namin sa palawan (baka sakaling makalmutan na nilang nagyosi sila ever!).
sana wag maapakan ang human rights ni mikko.
sana mapigilan ni lilibeth ang pagtawa minsan.
sana maging maganda ang aming 3D map na magagawa.
sana magkaron kami ng marka sa mga tao doon sa community.
sana wag ko na paiyakin nanay ko pag-uwi ko mula sa community.
sana may mga magiging foster siblings ako.
sana makasali kami sa pagsasaka.
sana matanggap nila kami agad.
sana matanggap namin sila agad.
sana walang maging chismis sa community.
sana maraming batang cute at mabait at makulit.
sana may kuryente kahit sa ilang parte lang ng community.
sana may ilog.
sana maging close namin ang mga tao dun.

sana masaya.
sana di malilimutan.
sana maraming matutunan.

sana worth it.

sa lahat ng ibang aktibidad na mamimis ko. sa lahat ng taong mamimis namin. sa komportableng buhay na pansamantalang iiwan namin. sa lahat ng gastos. sa lahat ng hassle na naidulot nito sa amin. sa lahat ng pangamba.

sana may magbago pag-uwi ko. magandang pagbabago sana.

sana. sana.

good luck saken! good luck samen! GOD BLESS sameng lahat.

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments