<< November 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Thursday, March 15, 2007
expectation

"If I could sum up all causes of hurt, pain and hatred in one word, it's just....                                                                                                                         EXPECTATION"

hay. wala lang. anlupet nung quote. it says it all... totoo naman diba? ang puno't dulo naman ng pain ay ang sobra-sobrang pag-eexpect eh... pag-eexpect na magiging maayos ang lahat, pag-eexpect na kaya mo ang lahat, pag-eexpect na mahal ka, pag-eexpect na nasa parehong pahina kayo ng libro, pag-eexpect na hindi ka iiwan, pag-eexpect na mahalaga ka para sa ibang tao, pag-eexpect na may silbi ka para sa ibag tao, pag-eexpect na mataas makukuha mong grades, pag-eexpect na mananalo ka, pag-eexpect na masusuklian yung mga ginagawa mo, pag-eexpect na magiging masaya ka... ewan ko ba! ang hilig natin umasa nang sobra... alam naman nating yun ang makakasakit satin in the end, ginagawa pa rin natin... tsk. engots. hay. badtrip. pano ba iwasan ang umasa nang sobra? bakit ba hindi pwedeng go with the flow na lang always? hindi ba pwedeng hindi na lang tayo naapektuhan ng actions ng ibang tao para hindi na lang din tayo nag-eexpect? peste. hindi nga pwede...

tsk. panget. ouch.

sori naman. nagagalit ako. nasasaktan. alam kong hindi nila alam at malamang naman eh hindi nila sinadya na masaktan or galitin ako. probably they were just being their ever natural selves during those times... it just so happened that they were not sensitive enough to realize that they have hurt someone with what they've done... hay. ewan ko rin kung nalalaman pa niya/nila... minsan naiisip kong sabihin (hahaha! nagmamatapang nanaman!) pero kasi ano namang mapapala ko? knowing me, that wouldn't lessen the pain...

hay. ang ayoko lang naman eh yung feeling ng iniiwan akong nakabitin sa ere eh... is that too much to ask? ayoko lang naman yung sobrang sinasanay ako na andyan sila tapos bigla na lang mawawala nang di ko namamalayan... di ko namamalayan. ibig kayang sabihin eh kasalanan ko? leche. kung kasalanan ko sabihin naman. hirap akong tumanggap ng criticisms and advice di dahil feeling ko eh perpekto akong tao. hirap lang akong tanggapin yung mula sa ibang tao dahil sanay ako na ang nagccriticize lang at nag-aadvice saken eh ang sarili ko. pero kahit na ganun, pinipilit kong baguhin yun. saka kahit na ouch ung mga puna at payo minsan, okay lang. at least alam ko. kesa naman yung nangangapa ako sa dilim...

ang dami kong hindi naiintindihan. bakit nagbago? bakit nawala? nasan siya nung mga panahong yun? anong ginawa ko? ano ba talagang meron from the start? naiintindihan mo ba?

nag-eeffort naman akong linawin ang mga bagay-bagay eh... pero wala. hindi ko alam kung magkaiba ba kami ng lenggwaheng ginagamit o sadyang hindi niya gets o sadyang ayaw niyang magets...

hay.

sori naman. may lamat na. hindi ko na alam ang gagawin para mawala yun at di ko rin alam kung may gusto nga ba akong gawin. sori naman dahil nag-expect ako, akala ko naman kasi... sori naman sa efforts ko, akala ko naman kasi... badtrip ako senio. badtrip. hindi ko naman kayo inaano ah!

*hay. bitter.*

Posted at 03:51 am by pixie_corpse
Make a comment  

Monday, March 12, 2007
dahil ang LACAS nyo kay KAMZ! (haha!)

finally, it's over!

hay. sa ngayon, feeling ko hindi pa totally nagsisink in saken itong pinasok ko... kelan ko kaya fully maabsorb? bukas? hmmm... tingnan naten...

nung simula i must admit na yung mga dahilan ko kung bakit ko pinasok toh eh hindi yung mga "tamang dahilan"... my reasons were mostly for myself... pansariling kapakanan kumbaga... to improve myself... to fulfill one of my dreams... to have something different in my life... to change...

pero habang pinagdadaanan ko yung proseso... habang iba't ibang tao ang nakakasalamuha ko along the way, yung mga taong sobrang dedicated sa ginagawa nila... habang mas maraming natutunan... habang mas lalong lumalalim ang kaalaman at pag-unawa... kasabay ng lahat ng ito ay ang pagbabago rin sa mga dahilan ko kung bakit pinili ko itong pasukin... kung bakit pinili kong tanggapin ang hamon... kung bakit pinagpatuloy ko ito kahit na minsan eh pinanghihinaan ako ng loob at minsa'y nagdadalawang isip... yung dating mga pansariling kapakanan lamang ay napaltan ng mas malalalalim na dahilan... yung dating kawalan ng pakelam kung manalo man o hindi ay napaltan ng mas malalim na pag-unawa kung bakit mahalagang maipanalo ang laban... yung dating kakulangan sa dedikasyon sa partido ay napaltan ng di mapantayang paghanga at pagmamahal sa buong alyansa...

malaki ang nabago ng nakaraang ilang linggo sa buhay ko... nilayo ako nito sa mga tao at bagay na kinasanayan ko... kinain ang oras ko to the point na ayoko na maalala ang salitang 'acads'... ipinakilala ako sa iba't ibang klase ng tao... ipinakilala muli ako sa tibak self ko na matagal nawalay saken... binuksan ako sa maraming panget at magandang bagay sa buhay...

ansaya ng election/campaign experience.... makulay. magulo. nakakapagod. nakakairita. nakakaloka... sobrang kakaibang experience... sobrang dami kong natutunan... sobrang daming bagay na nainstill saken... sobrang daming kahanga-hangang tao ang nakainspire saken...

bakit nga pala ako tumakbo?

dati, marahil ang sagot ko eh ganito... "para hanapin yung sarili ko... kung anong magpapasaya saken, kung para san ako, kung ano ang kaya ko... at para masubukang wag matakot..."

ngayon... bakit ako tumakbo? kasama pa rin yung sagot ko dati... pero marami ang nadagdag... "para magsilbi at bantayan ang kapakanan ng mga estudyante, para maging parte ng pagbabago, para sa lahat ng ipinaglalaban ng ASAP-Katipunan, para sa mga prinsipyong tangan ng A-K at higit sa lahat dahil naniwala ako sa paniwala nila na kaya kong gawin ang lahat ng ito..."

hay. buti na lang nagmatapang ako. buti na lang for once naniwala ako sa mga taong naniniwala saken. buti na lang nagsakripisyo ako. buti na lang hindi ako nagpadala sa mga bagay na nakapanghihina ng loob... buti na lang kahit papano eh sinubukan kong tumayo sa sarili ko... buti na lang at kinaya kong lumayo sandali sa mga bagay na kinasanayan ko...

hay. simula pa lang ito... sana magampanan ko nang maayos ang tungkulin ko... sana hindi ko madisappoint yung mga taong naniwala, nagtiwala at sumuporta saken...

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

sa mga kapwa ko
estudyante na naniwala at nagtiwala... (oo, alam kong medyo wala kayong choice... haha!) maraming salamat! makakaasa kayong hindi nyo pagsisihang pinili nyo 'ko over ABSTAIN...

sa
Partido Alyansang ASAP-Katipunan... mabuhay tayo! maraming salamat sa lahat lahat lahat lahat... sa oportunidad na maging bahagi nito, sa pagtitiwala, sa pagtuturo at paghahasa, sa suporta, sa mga prinsipyong itinatak nito sa isipan ko at sa marami pang iba... maraming salamat! mabuhay ang ASAP-Katipunan! TUNAY.PALABAN.MAKABAYAN.

kay
ate kristel... sobrang salamat... sa inspirasyon, sa tiwala, sa mga sermon, sa mga pep talk na hard core... sobrang saludo talaga 'ko sayo! sana hindi kita madisappoint... gagawin ko lahat!

kay
jamjam, inay abi, raya... salamat sa tiyaga, pasensya at dedikasyon nyo samen! sobrang dakila nyo! sobrang idol ko kayo!

kay
jein... hay. hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung anung pumasok sa kukote mo at naisipan mo akong irekomendang patakbuhin ng A-K... pero sobrang nagpapasalamat ako sayo dahil dun... sa lubos na pagtitiwala, sa lahat ng tulong, sa pagboost ng morale... sa lahat lahat... sobrang salamat!

kay
loise, patrick, jhuna, marice, athena, gerome, kuya gerard, kuya andeng, cheng, kuya terry, kuya nickson... wala akong masabi... anlulupet nyo! para sa lahat ng pagod, puyat, at gutom na naidulot sa inyo ng eleksyon... maraming maraming salamat! sa pagiging inspirasyon din, sobrang salamat! d bez kayo!

kay jobsh, glai,  shalma,  mac,  aby,  deydey,  lilibeth... mwah! mwah! mwah! sobrang salamat sa pag-unawa, tiwala  at sa mga tulong para sa kampanya... sobrang hindi ko alam pano kayo pasalamatan enough...

sa ibang FRAT... mara, dino, aj, bj, justine, karlo... salamat din sa mga ibang paraan ng pagpapakita ng suporta... salamat sa pag-unawa...

kay amafel, crese, chi, cielo, gerry, jen... salamat din sa mga tulong nyo! mwah!

at syempre pa... sa AK USC at CAS-SC slate... sobrang hindi matatawaran ang mahigit sa isang buwan na pagsasama natin dito sa makulay na prosesong ito... salamat sa lahat! mabuhay tayo! manalo man o matalo, alam nating makapaglilingkod pa rin tayo sa mga estudyante... tayo ang mga tunay na lider estudyante!

hay. mamimis ko yung buhay ko nung nakaraang buwan...
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
hay. ansaya pag gusto mo yung ginagawa mo... ansaya pag masaya ka sa ginagawa mo... ansaya pag alam mong may magagawa kang makakabuti sa iba... ansaya pero nakakatakot rin... hay. kaya ko toh! kaya namin toh! kaya natin toh!

Posted at 11:56 pm by pixie_corpse
Comment (1)  

Monday, March 05, 2007
Tunay.Palaban.Makabayan.

... VOTE STRAIGHT ....

ASAP-KATIPUNAN

USC CHAIRPERSON: Rainier Palogan

USC Vice-Chair: Jon Jamora
USC Councilors:
        Kareen Moncada
        Jyka Bocade
        Jow Poblete
        Patricia Cielo
        MK de Guzman
        Micko Perez
CAS Representative: Kamz Deligente
CAMP Representative: Karen Guevara

CAS CHAIRPERSON: War Torrente
CAS Vice-Chair: Jigs Tenorio
CAS Reps-at-large:
       Yvette Nesas
        Ira del Rosario
       Jemelle Tambaoan
CAS Batch Reps:
       2nd yr - Camille Binuya
       3rd yr - Madz Nievera
       4th yr - Angge Ricafrente







... VOTE STRAIGHT ....


ASAP-KATIPUNAN







Posted at 02:24 am by pixie_corpse
Make a comment  

Monday, February 26, 2007
mahirap pala talaga...

mahirap pala talaga ang gusto kong mangyari... hindi overnyt naaayos ang buhay... hindi overnyt nagkakaron ng change na gusto mong mangyari...

nakakatawa ang pagkakataon... talaga atang sinusubukan niya ako... marahil ay sinusubukan niya ang bagong pilosopiya kong "im so beyond it all"... leche. watever. basta gagawin ko ang sa tingin ko eh tama...

maiiyak ako, magpapanic, malulungkot, mada-down, mawawalan ng tiwala sa sarili once in a while, mapapasigaw, mapapamura... lahat na... pero in the end... okay lang naman ako...

Posted at 03:51 am by pixie_corpse
Make a comment  

Wednesday, February 07, 2007
"so beyond it all"

'yan ang madalas kong bukambibig nitong mga nakaraang araw...

sa unang dinig ng linyang yan, parang napaka-optimistic... nag-uumapaw sa tiwala sa sarili... walang kinatatakutan...

hindi ko rin talaga alam kung saang lupalop ng mundo ko napulot ang pilosopiyang yan... sa boredom ba - dahil sa paulit-ulit at walang challenge na mga pinagdadaanan? o isa ba yang malaking excuse sa hindi pagsisipag, sa paggawa sa mga bagay nang last minute na, sa di pagbibigay ng lahat sa bawat bagay na ginagawa?

maaaring pareho...

hindi ko rin alam kung nakakabuti ba ito sa kalusugan ko... lumalakas ba ang tiwala ko sa sarili ko dahil sa linyang yan? isa ba itong hakbang sa step sa pag-aaral na mas mahalin ang sarili ko? o mas nawawalan ako nang ganang ibuhos ang lahat ng makakaya sa bawat bagay na pinapasukan?

maaaring lahat ng yan...


maaari. maaari.

walang bagay na sigurado sa mundo. hindi ako sigurado sa kahihinatnan ng mga bagay-bagay sa buhay... sino bang sigurado? babatukan ko! pero parang ayoko na ng sigurado... parang gusto ko na yung feeling na kinakabog yung dibidib ko... parang gusto ko na minsan yung pakiramdam na hindi ko alam kung anong mangyayari pero at least sinubukan ko... parang naeenjoy ko na yung pakiramdam na pinaglalaban ko yung gusto ko kahit walang katiyakan...

potah.

ngayon-ngayon ko lang pala talaga naaabsorb... ano ba toh... ano bang iniisip ko... pero potah. gusto ko eh. pag binitawan ko naman eh ano naman ako, duwag? ayaw ng risks? gusto ng pagbabago sa buhay pero walang gustong gawing bago? ano naman ako, yung ako 5 years ago? gusto ko eh. oo, hindi lahat ng gusto natin eh nakukuha natin, pero natutunan kong sa buhay na toh, dapat lahat ng gusto natin eh pinaglalaban natin...

tang ina. ang galing ni gordon magsalita (magsalita pa lang muna sa ngayon ha!). may mga nasabi siyang sumapul saken. hindi ko man maalala word per word, basta, sapul eh. para akong lasing na binuhusan ng mainit na tubig. FEAR. tang ina. ayoko na nyan. sawang-sawa nako sa pakiramdam, sa emosyon na yan. ayoko na. iba naman.

mahal ko eh. ayoko na matakot.

Posted at 10:32 pm by pixie_corpse
Make a comment  

Friday, January 26, 2007
randomness once again...

* how come pag maaga akong natulog (11pm is the earliest), antok na antok ako kinabukasan, pero pag late ako natulog (5am is the latest), buhay na buhay ako buong araw? hala? how come?

* ilang meaningful conversations ang kelangan ng isang tao sa isang araw, isang linggo, isang buwan o isang taon to live a meaningful life? at ilang tao ang kelangan ng isang tao to share meaningful conversations with? at how do/should we define "meaningful" ba? (and, are there really answers to these questions? haha! malamang wala! but i still think, they're worth asking! haha!)

* sino ba talaga dapat mas mahal mo: yung sarili mo o yung ibang tao? at panu mo malalaman if you do the things you do for yourself or for others, especially when what you do for others, makes you super happy? (malabo ba o malabo ba?)

* ang ningas kugon ko... (haha! syempre di dapat siya adjective pero go pa ren!) wala lang. ang dami-dami kong sinisimulan na di ko natatapos. ewan ko rin kung bakit. minsan din akala ko alam ko kung bakit, pero most of the time, i'm not so sure. how come yung mga bagay na dati eh bumubuhay sa dugo ko eh naisasantabi o kinatatamaran na lang nang basta-basta after quite some time? yung pagiging tibak, yung pagiging masipag sa acads, yung mga pangarap sa buhay... hay. basta. sangkatutak na beginnings na halos di na umusad... hay. bakit kaya? /should do something 'bout it/

* ang bilis ko ma-bore... (related sa ningas kugon) hassle. nakakatakot. baka magpalipat-lipat ako ng trabaho, bahay, bangko, or worse asawa? wahahah! just because mabilis ako ma-bore! tsk. tsk. /should change/

* kelan pa naging masama ang pagiging "friendly"? hahaha! 5 years ago pa yata... pero how do you stop being that? when that makes up a huge part of who you are? when the least you want to do is change a huge part of who you are just to please some people? hay. 

* mahalaga ang closure... sa lahat ng bagay... more or less eh aware ang lahat na lahat ng bagay nag-eend... pero mahalaga pa rin ang "babay", ang "paalam"... para walang naiiwang nakabitin sa ere... para malinis ang ending... hindi man happy, at least walang hanging questions...

* karamihan sa mga tao, pag ininsulto, kinriticize o pinuna sa anumang mali, they take it as a challenge to become better... to prove themselves... i happen to be not one of those people... more or less alam ko yung mga bagay na mali sa sarili ko... but instead of doing something to change or to prove other people wrong, i tend to do nothing. hindi ko rin alam kung bakit... form of protest? pucha. pride ba? tipong i-could-be-whatever-i-want-to-be-and-if-you-don't-like-it-then-so-be-it? weird. tumatanggap ng mali pero hanggang dun na lang? /should change definitely/

* may dare ako sa sarili ko... ang iwasan ang pag-gamit ng salitang "tanga" or any other word similar to it, when pertaining to myself... hehehe.. wala lang... baka makabuti sa sangkatauhan!

* on a lighter note (hahaha! at last!), may posibilidad na sa PALAWAN ang aming practicum! wuhoo! shux shux shux... sana.sana.sana. pag hindi talaga natuloy yan... waaahhh... maiiyak talaga ako... as in...

* malapit na ang fieldtrip to sagada! wuhoo! so excited... sana wag ako madulas... hahaha... greatest fear!

* gusto ko na gumraduate...

* lilipat na ata kami ng tahanan... pero syempre we're not totally leaving our home... magrerent lang somewhere nearer our schools and offices... hay. don't know kung dapat matuwa or not...

* kelan pa naging mahirap mag-isip ng random thoughts eh random nga? di nga dapat pinag-iisipan! hahaha!


Posted at 02:21 am by pixie_corpse
Make a comment  

Wednesday, January 03, 2007
bawal masanay

 

Subukan mong humiga sa nakalatag na banig sa sahig ng mga anim na buwan…

tapos biglang isang araw eh humilata ka sa malambot na malambot na kutson…

 

Subukan mong gumising ng alas diyes ng umaga sa loob ng tatlong buwan…

tapos biglang isang araw eh pilitin mong gumising ng alas singko ng umaga…

 

Subukan mong magsuot ng relo sa loob ng ilang taon…

tapos biglang isang araw iwan mo ito sa bahay ninyo…

 

Subukan mong manatili sa America sa panahong may snow doon…

tapos biglang isang araw, balik ka sa Pinas…

 

Subukan mong mamuhay mag-isa sa loob ng isang taon…

tapos biglang isang araw, sali ka sa Pinoy Big Brother…

           

Subukan mong matulog bawat gabi nang may yakap na stuffed toy…

tapos biglang isang araw, itago mo siya sa baul…

 

Subukan mong maligo sa mainit na tubig…

tapos biglang buhusan mo ang sarili mo ng isang balde ng yelo…

 

Subukan mong magtrabaho sa call center 10 hrs a day, 5 days a week…

tapos biglang pag wala kang trabaho magsalita ka ng purong tagalog…

 

Subukan mong mag-yosi araw-araw...

tapos biglang isang araw, itigil mo...

 

Subukan mong ngumiti araw-araw…

tapos biglang isang araw kalimutan mo lahat ng dahilan kung bakit ka ngumingiti…

 

Subukan mo…

Subukan mong masanay sa isang bagay at biglang bitiwan ito…

Hindi masaya.

Gaano man kasimple ang bagay na natutunan nating kasanayan, badtrip pa rin pag nawala…

 

Kaya naman, bawal masanay…

Sa kahit ano…

Sa paghinga, sa pagkain, sa paliligo, sa pagtawa, sa pagpasok sa eskwela, sa pagkukwento, sa paghalakhak, sa pag-cocomputer, sa pag-aaral, sa pagiging masaya…

Bawal.

 

Pero may magagawa ka ba?

Pwede mo nga bang iwasan ang masanay sa kahit ano?

Potah.

Ano? Iiwasan mong ma-attach sa mga bagay-bagay?

Ano ka bato?

Hindi.

Wala kang magagawa.

Masasanay at masasanay ka anumang iwas ang gawin mo.

At mawawala't mawawala ang bagay na kinasanayan mo sa ayaw mo't sa hindi.

At tiyak na maninibago ka.

Masasaktan. Malulungkot. Maghahanap.

Yun lang ang magagawa mo.

Ang masama pa dyan…

Hindi mo alam kung kelan.

Araw. Linggo. Buwan. Taon. Dekada.

Hindi mo alam.

Hindi mo alam kung hanggang kelan tatagal.

Walang magsasabi sayo.

Madalas pa walang warning.

Hindi mo alam.

 

Badtrip diba?

 


Posted at 12:14 am by pixie_corpse
Make a comment  

Tuesday, January 02, 2007
random kaisipan2

* paano natin madedetermine kung yung actions natin eh dikta ng puso o ng utak?

* paano magbura ng tao sa buhay mo? nope, ndi ko ittry gawin... kasi ndi ko yan magagawa ever... yung parang yung sa eternal sunset ... hindi man literal na ganun... yung tipong iiwasan mo na talaga maalala... yung tipong malaki naging parte nya sa buhay mo pero by the time na nagtry syang magreach out sayo eh kaya mong panoorin lang syang nagrereach out... basta yung ganun... ang tanong ata dapat eh... paano nakakaya ng ibang tao na magbura ng tao sa buhay nila? hay.

* hind ba't lahat ng tao ay nagpapanggap na masaya? wala namang taong masaya talaga eh... pero bakit hindi halata na hindi sila masaya? hindi ba't nagpapanggap lang din sila?

* masama bang gustuhin ang isang bagay dahil gusto mo lang itry?

* pag masyadong masaya ang isang tao o masyadong malungkot... o basta sabihin nating pag maraming nangyayari sa buhay ng isang tao... ang tendency eh makalimutan nyang may nangyayari rin sa buhay ng ibang tao sa paligid nya... nalilimutan niya mangumusta... nalilimutan niya makinig nang maayos... nalilimutan niyang makiramdam... no one in particular... dati ko pa toh naisip... naalala ko lang ngayon...

* paano ko gagawin yung paper sa socsci120, tatapusin yung boring at mahabang readings sa as121, gagawin yung pinapagawa ni sir ponsy, aasikasuhin ang report sa geog at histo 116? ha? paano?

* "in love ka lang sa ideya ng love!" haha! san ko nga ba narinig yan? sa isang tagalog jologs flick ata eh... o kung saan pa man... haha! wala lang... it makes a lot of sense...

* may nakakaintindi kaya kung kelan totoong halakhak ang "hahaha" ko o kung kelan sarcastic o kung kelan ginamit ko lang dahil wala akong masabi o kung kelan ginamit ko lang dahil yung ang pinaka-safe na reaksyon o kung kelan "huhuhu" ang tunay na ibig sabihin nun... hahaha! wala lang... naisip ko lang... super dalas ko kasi gumamit nyan eh... pero hindi pare-pareho ng ibig sabihin... filing ko hindi gets nung iba... o baka nagpapanggap lang sila na hindi nila gets? hmmm...

* may choice ba tayo sa lahat ng bagay? may destiny nga ba o tayo ang pumipili ng kahihinatnan ng buhay natin? parang ayokong maniwalang may destiny sa lahat ng bagay eh... pero hindi ko rin naman kayang maniwalang may choice tayo sa lahat ng pagkakataon... kasi hindi naman maikakailang may mga pagkakataong hindi natin hawak ang mga pangyayari... hmmm...

* hindi pala totoo ang favorite expression ko na "i don't get over ever..." hahaha! wala lang. wala palang ganun... lahat ng bagay nageget over... darating yung panahon na yung mga bagay na dati'y iniiyakan mo nang husto o kinabaliwan eh tatawanan mo na lang... maaaring di mo pa maalala yung feeling mo nun... pero pero... maganda pa rin siya pakinggan eh - "i don't get over ever!" hahaha!

* masaya ang pasko at new year... dapat itong ka-excitan taon-taon... hehehe... 

* hindi nauubusan ng pag-uusapan ang mga tao... laging may pag-uusapan... pag dumating sa puntong wala nang mapag-usapan at tumigil sa pag-uusap... hindi totoong walang mapag-usapan... ayaw na lang nila mag-usap... o ayaw nang makausap nang isa ang isa... anong point? ewan.\

* kakapagod mag-magaling sa kusina... pero masaya naman... hehehe...

* natetempt talaga ako magsulat ng nuyir's resolutions! hahaha! pipigilan ko ang sarili ko... hahaha...

* back to zero... hahaha! masaya toh...


Posted at 12:57 am by pixie_corpse
Make a comment  

Friday, December 29, 2006
random kaisipan...

madaling araw na... mag-aalas dos na... nag-iisip pa 'ko... nakakagulat at may thoughts pa 'ko! haha!

* parang dumadami ang galit o nagtatampo saken... dapat na ba akong mabahala nang sobra? hindi ko pa kaya eh... or baka hindi ko na talaga kaya mabahala? ay ewan.

* nagbura ako ng buong inbox... liberating... haha... sa ngayon eh nag-aantay pa ako ng mga bagong mensaheng pupuno sa inbox ko... pero mukang matatagalan bago mangyari yun... lintek! hindi nagpaparamdam mga tao! paskong-pasko at bagong taon wala kayong mga load? ayusin nyo nga buhay nyo! hahaha!

* haha! tawa ako nang tawa pero ang totoo kaninang umaga ko pa gustong ihagis yung cellphone ko dahil parang wala siyang silbi sa buhay! haha! kahpon pa pala... nakagawa pa nga ko ng isang entry na patungkol lang sa kanya eh... pinag-iisipan ko pa kung ipopost ko...

* gusto ko nang magkapasok pero ayoko pa... gusto ko na kasi boredom! haha! pero ayoko pa kasi hindi pa ako handang harapin ang mga responsibilidad! hahaha! ang dami nang kelangan gawin pagpasok! waaahh!!! ayokoooo!!!

* magnunuyir na... ano kayang meron nu?

* bwakanangshet. pasado na ang tfi ng UP. oo, alam ko, late reaction! haha! better late than never! haha! pero kasi kanina ko lang nalaman na 7-0 pala ang naging resulta ng botohan sa BOR eh... grabe naman... mga walang hiyang BOR! anu ba naman sila! leche. leche. leche. mukang magkikita na ulet kami ng tibak self ko ah...

* new year's resolutions... naisip kong gumawa ng detalyado pero nagbago isip ko... madidismaya lang ako pag hindi ko natupad... kaya etoh na lang: ayusin ang priorities sa buhay, pag-aralan mahalin ang sarili, matutong makuntento sa kung anong meron, go with the flow (haha! go flow! i'm going with you!)... good luck naman!

* paano mo malalaman kung mahal mo na enough ang sarili mo?

* naalala ko yung dating paalala sakin nung isa kong kaibigan... alamin ko raw kung sino sa mga kaibigan ko yung never ako iiwan... hanggang ngayon hindi ko pa rin sure ang sagot dyan... pano ko nga ba malalaman?

* tanga nanaman ako, alam ko... (teka, tanga pa rin ba ako kahit na alam ko at inaamin kong tanga ako? haha!) at malamang walang patunguhan ang mga bagay-bagay dahil pinairal ko nanaman katangahan ko... pero bahala na... anjan na eh.. wala na kong magagawa...

* being yourself doesn't work all the time...

* simple ba o kumplikado ang buhay? simple lang ata eh nu? gusto ko ata kumplikado... ewan ko...

* bawal masanay sa kahit ano... kelangang tanggapin na lahat bagay temporary lang... pag nasanay ka masyado, ikaw ang talo... wag kang tanga, ok? haha!

* excited na 'ko sa mga field trip! wuhoo!!! mga nga ba? sana!

* mahirap ang buhay... kasalanan toh ng bwakanangshet na si gloria eh! leche sya! haha! isinisi lahat sa kanya eh nu! pero naman kasi eh... hindi naman ganito nung wala pa sya eh! ngayon ang unang pasko since... since matagal na... na wala akong regalo sa mga kamag-anak ko... tsk tsk... ayos lang naman.. baka makasanayan ko na toh.. haha! tipid!

* nakumpleto ko nga pala ang simbang gabi (tulad nung nakaraang... 4 na taon na nga ba?)... wish ko? ewan ko... nahihiya akong magwish saka hindi ko alam kung anong gusto ko... nahihiya ako kasi ayokong isipin na kinumpleto ko lang yun dahil sa wish... hindi ko alam kung anong gusto ko dahil... wala... hindi ko lang talaga alam...

* hala, ang dami ko namang thoughts? hahaha! mag-aalas tres na nag-iisip pa rin ako! ano ba yan! matulog na nga ako! hehehe!


Posted at 01:50 am by pixie_corpse
Make a comment  

nagpapanggap na masaya?

kani-kanina lang.. ang sabi nung isa kong kaibigan nagpapanggap raw ako na masaya ako...

ha? huwat? nooo!!! hindi ah! ako? eh lagi nga akong nagrereklamo sa buhay eh... lagi ngang bitter ang mga entry ko sa blog eh... lagi ngang bitter mga pananaw ko sa buhay eh... lagi ngang ouch songs ang mga nagugustuhan kong kanta eh... nagpapanggap pa ba akong masaya sa lagay na yan?

haaayyy... sabi niya pinapakita ko raw na masaya ako... napaisip ako... siguro nga... diba nga, "smiling has always been easier than explaining why you're sad..." saka ang madalas namang dahilan ng pagkamalungkot ko eh ang kawalan ng dahilan para maging masaya... hindi naman madaling i-explain yun diba? saka mahirap ipaliwanag ang isang bagay na kahit ako eh hindi ko lubos na maintindihan... hassle... potah.. saka saka... hindi rin talaga ako sanay... iilang tao lang ang nakakaalam kung gaano ako ka-tanga sa buhay... yung iba eh akala nila anggaling-galing ko... kaya hassle din talaga magshare ng problema... para ano? para madagdagan ang mga taong aware na hindi ka magaling, na tanga ka? saka saka... madalas rin eh hindi enough yung dahilan ko para maging malungkot... tanga lang talaga... kaya kaya nakakahiya rin ishare diba? 

haha! tama na nga! ang problema ko lang naman kanina eh ang hindi paghalakhak ng telepono ko (yun nga lang ba?)... ginawan ko na ng paraan... ako na nagpahalakhak sa telepono ng iba... fortunately, eh may mga nagreply naman na nakipagkwentuhan... at dun na nga rin naungkat yung nagpapanggap daw ako na masaya...

leche. bagong taon na, maging masaya na ako, para maiba naman!


Posted at 12:58 am by pixie_corpse
Make a comment  

Previous Page Next Page