kaninang habang naglalakad ako pauwi, yan ang iniisip ko...
NEED. KAILANGAN. DAPAT.
sino nga bang nagdedecide kung ano ang mga bagay na kailangan natin?
nyek. tinatanong pa ba yun?
so, sino nga?
hay.
andami kong kailangan ngayon...
kailangan gawin...
kailangan makita...
kailangan mangyari...
kailangan magkaroon...
kailangan matapos...
kailangan masimulan...
kailangan matanggap...
kailangan makalimutan...
kailangan maalala...
kailangan masabi...
kailangan maramdaman...
kailangan maintindihan...
kailangan matutunan...
kailangan mapagdesisyunan...
kailangan tumawa...
kailangan umiyak...
kailangan mag-isip...
kailangan magbago...
hindi ko alam kung may panahon para sa lahat ng yan...
hindi ko alam kung may lakas para sa lahat ng yan...
hindi ko alam kung gusto ko gawin ang lahat ng yan...
hindi ko alam kung may magagawa ba ako at all...
hindi ko alam...
pero kailangan.
maraming umaasa.
lalung-lalo na ang sarili ko.
umaasang kaya ko mabalanse ang buhay.
umaasang masaya ako sa lahat ng ginagawa ko.
umaasang may magawa ako.
umaasang walang mabigo.
umaasang walang masira at makalimutan.
sana'y may patunguhan ako.
Posted at 01:29 am by pixie_corpse