<< July 2007 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Friday, July 06, 2007
where is me?

so lost...
so changed...
so different...
so nothing...
so bad...

i'm sick.
mukha akong okay.
aside from my paos voice and my always-haggard look...
i look generally okay.
and maybe i am.
but then why do i feel like a totally different person?
bakit parang may nagnakaw ng diwa ko?
bakit parang may kulang saken?

NASAAN na AKO?

is this my way of coping?
if yes, then what am i coping with?
ano bang nangyari?
sino bang nanakit saken nang husto para maging manhid na ako?
ano bang nagtrigger saken para mawalan ng kapasidad makaramdam?

i have changed.
sobra.
in more ways than people around me could ever notice.

"ang aloof mo na!"
tinawanan ko lang yan.
tinawanan nang sobra.
but i know how true it is.
only i know how true it is.

sobrang dami kong hindi naiintindihan.
at sobrang wala akong gustong gawin para maintindihan ang mga yun.
so not me.

sobrang kelangan ako ng world.
pero parang i am not equipped with as much compassion as i used to...
        to care enough, to understand enough, to feel enough...
so not me.

sobrang babaw ng mga kinakasaya kong bagay.
sayang-saya ako sa paglalaba at paglalampaso.
sayang-saya ako sa auction.ph na namimigay ng libreng load.
sayang-saya ako sa lychee shake at sa mango de crema.
sayang-saya ako magbura ng files sa pc at celfone.
sayang-saya ako maging haggard.
sayang-saya ako sa orange na post it at sa green na bolpen.
sayang-saya ako sa white at blue eye shadow.
eh bakit?
hindi naman masaya yun.

hirap na hirap akong mag-effort sa mga bagay-bagay.
some things i just do just for the heck of it.
some things i just say just for the heck of it.
some things i just feel just for the heck of it.

hindi ko kaya magmuni-muni.
hindi sa walang panahon.
marami.
hindi ko lang kaya.
ayaw ng sistema ko.
ayaw niya ng drama.
ayaw niyang umintindi.
ayaw niyang mangeelam.
ayaw niyang umiyak.
ayaw niyang maghanap.
ayaw niya ng kahit anong klase ng pakiramdam.

i really do not feel bad.
but i don't feel good either.
and that's bad.
bad. bad. bad.
steady.

is this who i really am?
a person detached from the world?
napagod na ba ako sa mundo?
eh anung mapapala ko ngayon sa ganitong ako?

bullshit.

Posted at 12:06 am by pixie_corpse

 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry