|
 |
|
Friday, August 27, 2010
naalala
ko pa... mga 7 yirs old siguro ako noon... isang araw, habang
naglalakad-lakad ako... napansin ko sa paligid ko... kahit saan ata ako
tumingin ay merong hawak na TROLL ang mga batang ka-edad ko… naisip ko
kailangan ko rin magkaroon nun! Pag pumupunta ako sa mall, bawat sulok
may TROLL akong nakikita… Nung
minsang kasama ko ang nanay ko sa mall… hinatak ko agad siya sa toys
department… tinuro ko yung TROLL na kulay pink yung buhok... "Ma, ang cute noh?" ang sabi ko pa sa nanay ko... Asar na sinabi sa 'kin ng nanay ko, "Anong cute dyan?!? parang tiyanak!"
pinagpilitan ko sa nanay ko na cute ang TROLL na yun... Muli ko
nanamang ginamit ang drama ko na lahat na ng kakilala ko ay meron na
nun... Ngunit nagmamatigas ang nanay ko... ayaw niya talaga akong ibili
noong panget na tiyanak na nakatayo ang buhok... Buntis kasi siya noon
sa bunso kong kapatid... baka raw maging kamukha ng magiging kapatid ko
yung tiyanak na yun... Dinaan ko na sa iyak ang nanay ko pero ayaw niya
pa rin... hanggang sa pauwi na kami iniiyakan ko pa rin yung TROLL na
yun...
nagdaan
ang mga araw... mas lalong dumarami ang mga taong may TROLL....
nagkakatotoo na ata na ako na lang ang wala nito... ginawa ko na lahat
para magkaron nito... ang sabi ko pa nga sa isa sa mga kaibigan ko,
regaluhan ako nun sa birthday ko... kaso parang ang tagal-tagal pa ng
birthday ko...
lumipas
ang mga taon... akala ng mga tao nakalimutan ko na ang pangarap ko na
magkaroon ng sarili kong TROLL... kaya naman wala nang
nagmagandang-loob na nagbigay sa akin nito... wala silang kamalay-malay
na matagal ko talagang pinagmukmukan ang hindi pagkakaroon nun... hindi
ko maget-over na halos lahat ng tao eh nagkaron o meron nun maliban
sakin...
matagal-tagal
bago ko natanggap na hindi ako nagkaron ng TROLL na yun... isang araw
na lang eh nagising ako na tanggap na ang katotohanang di para
sa 'kin yung TROLL na kulay pink ang nakataas na buhok na mukang
tiyanak na yun...
ang sabi ko na
lang sa sarili ko, magkakaron din ako noon... hindi nga siguro noong
panahong usung-uso pa iyon... pero magkakaroon din ako nun... hindi pa
lang napapanahon...
Posted at 02:33 am by pixie_corpse
Permalink
Friday, November 09, 2007
family. acads. thesis. council. tibak life. ksup. friends. OrgASM. future. AK. dreams. non-existent lovelife. social life. graduation. household chores. personal life. almost non-existent spiritual life.
hay. nitong mga nakaraang araw ay nagkakaroon ako ng panic attack. parang nito lang nagsink in sa akin ang lahat ng dapat maaccomplish ngayong semestre... ngayong bago umalis sa UP. ngayong bago humarap sa masalimuot na mundo...
in less than 5 months, layunin kong magampanan lahat ng papel ko sa iba't ibang aspeto ng buhay ko... ang pagiging mabuting estudyante [na actually ay di pa tuluyang nakabitaw sa pangarap para sa magulang na mag-laude. hay.], ang pagproduce ng isang matinong thesis para makagraduate, ang pagiging matinong council officer at responsableng tibak, ang pagiging maasahang org member, ang pagiging mabuting kaibigan sa mga kaibigan ko, ang pagkakaroon ng social life kahit papano, ang paggawa ng mga gawaing bahay, ang pagkakaroon ng maayos na komunikasyon sa pamilya ko, ang pagtukoy kung ano ba talaga ang gusto kong gawin sa buhay ko, ang mapanindigan ang tinanggap na resposibilidad sa kasama, ang pagbabalik ng utang na loob at pagmamahal sa AK, ang paghahanap ng ikasasaya, at ang pagkakaroon ng oras para magmuni-muni...
shet. sa puntong ito, medyo kinakabahan na talaga ako. ayokong may mawala sa lahat ng yun. ayokong may mapabayaan. alam kong mas mabibigyang halaga ang iba kaysa sa iba. pero ang kinakatakot ko ay yung totally mawala ang ilan. ewan ko ba kung ano ang iniisip ko at ginugulo ko nang ganito ang maayos kong buhay. akala ko siguro kaya ko. akala ko siguro kaya ko ng balanseng buhay. akala ko siguro.
shet. sana tama ang akala ko.
natatakot akong hindi makagraduate. [dahil sa puntong ito, parang biglang ayoko pa. dahil sa maraming dahilan... dahil kulang pa ang natutunan ko. dahil marami pang magagawa. dahil nahuli ang pagkamulat ko.]
natatakot akong mabigo ang magulang ko.
natatakot akong mabigo ang sarili ko.
natatakot akong mawala ang mga kaibigan ko.
natatakot akong mabigo ang mga taong tumulong nang malaki sa pag-unlad ko.
natatakot akong makalimutan ko ang mga pangarap ko.
natatakot akong hindi magampanan ang mga responsibilidad.
natatakot akong walang magawa para sa kanila.
hay.
shet. sana tama ang akala ko.
Posted at 10:03 pm by pixie_corpse
Permalink
Wednesday, September 26, 2007
no, i haven't been too busy to spare some time to update this blog. ayoko lang siguro talagang mas marealize na wala akong buhay at wala akong pakiramdam lately. haha.
* nagdaan na ang buhay ko sa mga panahong barkada at pamilya lang ang iniikutan... nung minsan acads lang... dati pahinungod lang at OrgASM... ngayon.. eto... eto na ang buhay ko. masaya ako. natagpuan ko nang muli yung isang aspeto ng sarili ko na matagal-tagal ko ring hinanap. pero may iba eh. may weird na feeling. may nagbago. may malaking nagbago. hindi ko matukoy kung ano mismo. marahil ay marami. at marahil ay hindi maunawaan ng marami ang mga pagbabagong iyon. ako man, hindi ko rin masabing nauunawaan ko lahat. pero ganun siguro talaga. kailangan may magbago. kasi may mga nagbago rin. marami ring nagbago.
* madalas naaasar ako. lalo na pag pagod na. sa mga ganung panahon, napapatanong ako sa sarili ko kung bakit ko nga ba ginagawa lahat ng ginagawa ko. samantalang ang iba ay nanatili sa normal nilang mga buhay. hindi ko rin alam. calling? misyon sa buhay? haha. kung ano man, sana wag akong mapagod. sana tigilan ko na ang paglingon sa paligid ko at pagkumpara sa mga bagay-bagay. sana lang talaga pare-pareho na lang kaming lahat ng pag-unawa sa konsepto ng "paglilingkod"... hay. (but still, kelangan ko pa ng matinong proyekto! hahaha!)
* mula nung sinabi ko nung marso na wala akong nararamdaman, hindi pa rin ako bumalik sa dati. grabe. ilang buwan na rin pala yun. ang tagal na. natanggap ko na nga yatang ganito na talaga ako. ang hirap eh. baka bukas makalawa malimutan ko nang tao ako. ang hirap eh. di ko na yata alam kung sino ako. ang hirap eh. di ko na alam kung ano nararamdaman ko sa mga pangyayari. ang hirap eh. di ko na alam kung ano gusto ko. hay.
* gusto kong uminom. hindi ko alam kung bakit. marahil ay umaasa akong pag uminom ako ay may mararamdaman ako.
* mahirao siguro talaga. hindi ko rin alam kung bakit. ganun lang siguro talaga. mahirap. kaya naman wag nang umasa. mahirap eh.
* gusto kong umiyak pero walang dahilan.
* gusto ko nang gumraduate. sana makagraduate na talaga ako.
* kumusta na ako? kumustahin niyo ako. ay, wag na lang pala. baka wala rin akong matinong maisagot.
* sabihin ko kaya sayo? tutal tapos na naman eh. pag-iisipan ko.
* uy, you're back! aawayin kita one of these days. salbahe ka. kala mo ha.
* i miss me.
Posted at 01:23 am by pixie_corpse
Permalink
Saturday, September 22, 2007
how i want to remember these days...
haha! ang drama.. wala lang. dahil wala akong magawa, nagrereminisce ako ng mga pangyayari nung past UPM SC Elections... eh kasi naman. naasar ako nang sobra sa mga narinig ko kaninang umaga... sa talk about being in the SC in UPM... tips on how to enter UPM Politics, perks and sacrifices, etc... nakakaasar... for someone who had a lot of experience in the SC (who's almost bragging about his credentials), it was so disappointing (though i was quite expecting na that i'd be disappointed!)... ang sabi ba naman niya, ang pinakamalaking benefit sa pagiging part ng SC ay yung mas magiging close ka sa mga profs mo at mas mabibigyan ka nila ng consideration! sheeettt! watda! talk about "pagiging GANAP NA ISKOLAR NG BAYAN!"
asar! how could he say such thing when there are a lot of other good things that come with being part of the SC? andyan ang madedevelop ka talaga nang husto as an individual at madami kang marerealize about yourself. andyan ang mas alam mo ang mga nangyayari sa loob at labas ng UP. Andyan ang mas malapit at mas lubog ka sa mga estudyante. Andyan ang may venue ka para magcause ng tunay na pagbabago. Andyan ang mas kita mo ang kabulukan ng sistema at mas gugustuhin mong may mabago. At andyan ang marami pang iba! Bakit yun na ang best na masasabi niya? Ganun lang ba talaga kababaw yun para sa kanya? hay. how sad. how pathetic.
sana kapag nabigyan man ako ng ganung opportunity to tell people about my council experience, sana i wouldn't tell it the way he did... no, hindi pala sana. i know i wouldn't tell it the way he did. i just know. hindi ganun kababaw ang pagtingin ko sa student leadership. hindi pansariling kapakanan lang.
hay. wala lang. asar lang. napakabaluktot. :(
Posted at 11:24 pm by pixie_corpse
Permalink
Thursday, August 30, 2007
in a few minutes, my haberdei is over...
HAPPY BIRTHDAY KAMZ! yeah!
hay. wala lang. may mahalaga akong realization today...
don't ever ever ever... sleep on your birthday... especially don't do that for more than 2 hours! not good! bad bad bad!
hay. wala lang. this is such an EMO birthday... i wanna say i hate it, but i don't wanna hate it. duh! it's still my birthday! and besides, it's my choice/fault why it has not been a fun birthday... i chose to spend it at home... alone... watching boy abunda and kris aquino chitchat on TV, watching willie revillame cry his heart out and bash joey de leon whom he says kept on bashing him, eating oatmeal cookies, oatmeal bars and piatos, washing clothes and waiting for text messages, emails, tags, and friendster and multiply messages from people who would remember...
i really don't know what i was thinking when i thought i'd enjoy my birthday doing stuff like those! well, what's there to do ba? can't go out coz i have a bullshit paper to pass tomorrow (i'm just starting now, by the way!)... if i did go out, i'd be feeling guilty the entire day for not staying at home and not doing it... can't go out coz i got no money to treat people... haha! well, probably at the bottom of my reasons, but still! can't go out because only a few of my blockmates are in school and most would probably not bother hanging out because of the bullshit paper...
oh well... it'll soon be over. pwede naman palang magbertde nang ganito eh! why bother! hmmm... i am seriously considering spending my every birthday this way! hahaha!
hay. ang tagal ko nag di na-eemo mode.... at talagang dapat ngayong bertdei ko pa nu? haha! oh wel... hindi rin masyado eh... namis ko lang bigla mga tao... napaisip ng mga bagay-bagay... nagmaktol sa tatay kahit wala naman talagang dahilan, gusto mang-away ng kapitbahay... hahaha! saka syempre, nag-antay kasi ako ng mga pagbati, at as expected, maraming di nakaalala... oh well... expected nga diba! hahaha...
haha! bente na 'ko for god's sake! be happy for heaven's sake! =P
Posted at 12:26 am by pixie_corpse
Permalink
Friday, July 13, 2007
kaninang habang naglalakad ako pauwi, yan ang iniisip ko... NEED. KAILANGAN. DAPAT. sino nga bang nagdedecide kung ano ang mga bagay na kailangan natin? nyek. tinatanong pa ba yun? so, sino nga? hay.
andami kong kailangan ngayon... kailangan gawin... kailangan makita... kailangan mangyari... kailangan magkaroon... kailangan matapos... kailangan masimulan... kailangan matanggap... kailangan makalimutan... kailangan maalala... kailangan masabi... kailangan maramdaman... kailangan maintindihan... kailangan matutunan... kailangan mapagdesisyunan... kailangan tumawa... kailangan umiyak... kailangan mag-isip... kailangan magbago...
hindi ko alam kung may panahon para sa lahat ng yan... hindi ko alam kung may lakas para sa lahat ng yan... hindi ko alam kung gusto ko gawin ang lahat ng yan... hindi ko alam kung may magagawa ba ako at all... hindi ko alam...
pero kailangan.
maraming umaasa.
lalung-lalo na ang sarili ko. umaasang kaya ko mabalanse ang buhay. umaasang masaya ako sa lahat ng ginagawa ko. umaasang may magawa ako. umaasang walang mabigo. umaasang walang masira at makalimutan.
sana'y may patunguhan ako.
Posted at 01:29 am by pixie_corpse
Permalink
Friday, July 06, 2007
so lost... so changed... so different... so nothing... so bad...
i'm sick. mukha akong okay. aside from my paos voice and my always-haggard look... i look generally okay. and maybe i am. but then why do i feel like a totally different person? bakit parang may nagnakaw ng diwa ko? bakit parang may kulang saken?
NASAAN na AKO?
is this my way of coping? if yes, then what am i coping with? ano bang nangyari? sino bang nanakit saken nang husto para maging manhid na ako? ano bang nagtrigger saken para mawalan ng kapasidad makaramdam?
i have changed. sobra. in more ways than people around me could ever notice.
"ang aloof mo na!" tinawanan ko lang yan. tinawanan nang sobra. but i know how true it is. only i know how true it is.
sobrang dami kong hindi naiintindihan. at sobrang wala akong gustong gawin para maintindihan ang mga yun. so not me.
sobrang kelangan ako ng world. pero parang i am not equipped with as much compassion as i used to... to care enough, to understand enough, to feel enough... so not me.
sobrang babaw ng mga kinakasaya kong bagay. sayang-saya ako sa paglalaba at paglalampaso. sayang-saya ako sa auction.ph na namimigay ng libreng load. sayang-saya ako sa lychee shake at sa mango de crema. sayang-saya ako magbura ng files sa pc at celfone. sayang-saya ako maging haggard. sayang-saya ako sa orange na post it at sa green na bolpen. sayang-saya ako sa white at blue eye shadow. eh bakit? hindi naman masaya yun.
hirap na hirap akong mag-effort sa mga bagay-bagay. some things i just do just for the heck of it. some things i just say just for the heck of it. some things i just feel just for the heck of it.
hindi ko kaya magmuni-muni. hindi sa walang panahon. marami. hindi ko lang kaya. ayaw ng sistema ko. ayaw niya ng drama. ayaw niyang umintindi. ayaw niyang mangeelam. ayaw niyang umiyak. ayaw niyang maghanap. ayaw niya ng kahit anong klase ng pakiramdam.
i really do not feel bad. but i don't feel good either. and that's bad. bad. bad. bad. steady.
is this who i really am? a person detached from the world? napagod na ba ako sa mundo? eh anung mapapala ko ngayon sa ganitong ako?
bullshit.
Posted at 12:06 am by pixie_corpse
Permalink
Monday, April 23, 2007
in a few hours eh tutungo na kami sa palawan...  halo-halong emosyon. minsan naman walang emosyon. sana maging masaya at memorable at maayos ang aming practicum sa palawan. sana maraming magagandang pictures at moments. sana hindi mataray si mam equa at mam che. sana makalakad ako sa bigat ng bagahe ko. sana maging maganda ang relasyon namin sa mga tao sa community (Tagbanuas). sana mas maging close kaming 9 sa practicum na ito. sana walang magkaasaran. sana may magkadevelopan (yikee! hmmm...). sana may makamiss samen. sana may mga magtext sa onting panahon na may batt ang mga cellphone namen. sana marami kaming panahon para makapamasyal, magswimming at magbonding. sana mainspire ako makaisip ng topic after ng practicum. sana wag mabadtrip si sir roli. sana maging mabait at wholesome si sir abe. sana hindi masyadong malaki ang maging gastos namen. sana magawa namin nang maayos ang census. sana maging safe kami sa malaria at sa kung ano pa mang danger doon. sana magkaron ng party sa birthday ni jobel. sana wag magyosi si shalma at jen sa 27 days namin sa palawan (baka sakaling makalmutan na nilang nagyosi sila ever!). sana wag maapakan ang human rights ni mikko. sana mapigilan ni lilibeth ang pagtawa minsan. sana maging maganda ang aming 3D map na magagawa. sana magkaron kami ng marka sa mga tao doon sa community. sana wag ko na paiyakin nanay ko pag-uwi ko mula sa community. sana may mga magiging foster siblings ako. sana makasali kami sa pagsasaka. sana matanggap nila kami agad. sana matanggap namin sila agad. sana walang maging chismis sa community. sana maraming batang cute at mabait at makulit. sana may kuryente kahit sa ilang parte lang ng community. sana may ilog. sana maging close namin ang mga tao dun. sana masaya. sana di malilimutan. sana maraming matutunan. sana worth it. sa lahat ng ibang aktibidad na mamimis ko. sa lahat ng taong mamimis namin. sa komportableng buhay na pansamantalang iiwan namin. sa lahat ng gastos. sa lahat ng hassle na naidulot nito sa amin. sa lahat ng pangamba. sana may magbago pag-uwi ko. magandang pagbabago sana. sana. sana. good luck saken! good luck samen! GOD BLESS sameng lahat.
Posted at 12:17 am by pixie_corpse
Permalink
Saturday, April 14, 2007
hmmm... LEFTIST.
for the past few days, my mom has been calling me THAT... hahaha! katawa eh nu?!? syempre it's supposed to be an insult pero hindi ko magawang ma-insulto dahil sa konteksto ng mga pangyayari kung bakit niya ko tinatawag na ganyan...
i refused to have my confession (as in literal na kumpisal sa simbahan ha...) kahit na nung 4th yr high school pa ata yung huling confession ko... lutang, lost, at windang ang itsura ko habang nag-sstationofthecross at habang nagdadasal sa bawat simbahan... ayokong bumangon ng maaga at kung anu-ano ang excuses ko para hindi makasama sa recollection sa tagaytay... hindi ako nagsimba ng Biyernes Santo at Sabado de Gloria... at ngayon, ako na lang ang hindi nagco-communion sa pamilya namen tuwing misa... o diba? parang ang sama-sama ko nang tao!
kaya raw ako LEFTIST! hahahah! ka-satur pa nga minsan sabi ng kapatid ko!
but NO! i don't think so.
i don't think i'm less of a good person for not doing those stuff. i don't think anyone could judge me for choosing to act indifferently during the holy week. that's what i felt. at ayoko namang gumawa ng mga bagay-bagay just for the heck of it. wala akong nafifeel eh alangan namang magpanggap akong meron diba?
hindi naman nila ako pinilit to do stuff, medyo kinonsensya lang. and i admire them for respecting my actions (or should i say non-action? haha!) kahit na siguro hindi nila magets totally yung point ko...
hmmm... ito yung isang aspeto ng buhay ko na gusto kong may mabago pero ayaw ng sarili kong tumanggap ng tulong from anyone aside from myself... ewan ko rin. siguro pride o tigas ng ulo. pero i just think i should do it on my own.
hahahha! sa ngayon... papaka-LEFTIST muna yata ako. hahaha!
huy! hindi lahat ng leftist walang diyos! mas marami pang hindi leftist ang walang diyos o may diyos man eh hindi naman halata (kurakot, drug lord, etc)!
Posted at 02:21 am by pixie_corpse
Permalink
Tuesday, April 03, 2007
kurutin niyo ko... o di kaya sampalin, sapakin o kagatin... para lang malaman ko kung buhay pa 'ko! wala akong maramdaman eh! hay. ayos lang din siguro toh... baka nga kelangan talaga toh sa buhay... ang mga manhid-tulala-detahced moda... hmmm... kaso nga lang tumataba ako lalo dahil kain at tulog lang ang ikinakasaya at inaatupag ko sa buhay ko... tsk tsk.
*PALAWAN! here we come! tara na bukas! i need something new... i need something to think about... PALAWAN! let it be you! hehehe.. hay. another immersion... nanunumbalik yung mga emotions na nafeel ko just a year ago nung bago ren magtungo sa aking unang immersion... excitement. kaba. confusion. pero this time, parang mas may confidence ako na kakayanin ko yun kasi nga nakaya ko na last summer... pero parang sobrang iba tong summer praticum/immersion na toh kaysa sa SISP program ng Pahinungod... for one, indigenous people yung makakasalamuha namen... tapos, trabaho pa ang ipupunta namin dun more than anything else... tapos, mukang mas hindi komportable ang pamumuhay ng pupuntahan naming komunidad (mahirap daw ang signal sa celfon at maaaring walang CR at kuryente)... natatakot rin ako sa posibilidad na matabunan nitong palawan experience ang fresh pa sa isipan kong camarines sur experience sa nakaraang summer... natatakot din ako sa sobrang attachment sa mga tao doon... at natatakot din ako dahil maikukumpara ko ang lahat ng bagay doon sa lahat ng bagay na naranasan ko sa SISP... hmmm... still... gusto ko na mag-PALAWAN! now na, please!
* should have been doing a lot of thinking and blogging since last week... matapos ang ilang medyo nakakawindang na mga pangyayari... dapat windang pa rin ako ngayon... pero ewan ko... medyo hindi... or maaaring windang ako pero hindi dahil dun... windang lang ako... tulala pero walang iniisip... ang dami kong dapat isipin at maramdaman pero parang pinili ng sistema kong wag mag-isip at makaramdam... hmmm.. bakit nga kaya? ang labo ng sistema na toh... lintek!
* HINDI AKO NAGSHE-SHARE. for the past weeks, ilang mga tao rin ang nagpamukha saken nyan... nung haiskul ata tanggap ko yang fact na yan... na hirap talaga akong mgshare ng mga bagay-bagay tungkol sa sarili ko... pero ngayong college, akala ko nagbago na 'ko sa aspetong yan.. minsan nga nafifil ko pa na sumosobra na 'ko sa paghuhubad ng sarili ko sa harap ng ibang tao (hindi literal, ofcors!)... pero mali pa rin pala ako... hindi pa rin pala ako nagsheshare... hay. bakit nga ba? may maganda akong paliwanag sa utak ko eh...pero hindi ko ren alam paano i-express at ipaintindi nang maayos sa kanila... basta, kung hindi man ako nagsheshare, hindi iyon dahil wala akong tiwala sa mga kaibigan ko... maaaring ganun lang talaga akong tao. maaaring dahil iyon sa nasanay ako na ako yung nakikinig. maaaring iniisip kong walang kwenta yung isheshare ko kumpara sa mga bagay na naishare niyo na saken. maaaring naiisip ko na wala kang pakelam o interes sa kung anong nangyayari sa buhay ko. maaaring yung gusto kong ishare eh hindi talaga makakabuting alam niyo. maaaring mahirap talaga ishare yun dahil hindi rin ako sigurado sa bagay na yun. maaaring feeling ko hindi niyo maiintindihan at hindi kayo makakarelate. maaaring takot ako ma-judge, mapayuhan, at ma-criticize sa kung anuman ang isheshare ko. maaari. maaari. wag niyo sanang isipin na madamot ako... medyo marami lang akong internal issues that i have to deal with first before opening up to people. wag niyo sanang isipin na hindi ko kayo pinagkakatiwalaan. hindi naman yun ang basehan ng tiwala lagi. alam kong mahalaga sa bawat tao yung feeling na pinagkakatiwalaan sila at vinavalue yung opinyon nila... pero, please bear with me.. minsan talaga hindi ko kaya. minsan talaga wrong timing. minsan talaga hindi dapat. at wag niyo rin sanang isipin na napapagod ako sa pakikinig sa inyo... dun ko nafifil na may silbi ako... dun ko nafifil na may mga may pakelam saken..
* sori naman... sa FRAT, sori kung hysterical at mukang nagagalit or nang-aaway ako nun... sori ren sa mga harsh na banat ko nun... i felt so misunderstood and i felt i had to be as defensive as possible... sori dahil you had to see that side of me.. yuck. ang weirdow! hay. at sori rin dahil isinusulat ko pa toh. i just can't help it..
* oo, BAGAY.
* i make a big deal out of everything. so true. hindi ko rin masyado masisi sarili ko eh. minsan naiisip ko baka it's my way of making myself feel alive.. hindi naman kasi eventful (haha!) ang buhay ko eh... kaya bawat simpleng pangyayari / conflict / problema eh pinapakumplikado ko at dinidibdib ko... minsan feeling ko siguro kasi kelangan ko yun para mafeel ko naman na buhay ako at nakakaramdam... kaya pagpasensyahan niyo nako if i make such a big deal out of simple stuff.. yung mga normal na nangyayari sa iba, minsan ko lang ma-experience..
* on a lighter note, ang daming gastos! (take note: lighter note na toh!) waaahhh! kawawa naman magulang ko! kumusta naman! anjan ang practicum sa palawan (enrolment, transpo, food, allowance)... anjan ang sem-planning ng USC na 3 days gagawin at malamang ay out of town pa... anjan ang ASC sem-planning na overnyt din daw yata... anjan ang BLOCK/BATCH outing (na sana eh matuloy at sana eh maraming sumama!)... anjan din ang posibilidad na magkaron ng lakad ang OSH... anjan ang mga summer days na kelangang nasa iskul kahit wala nang pasok (yeah! pamasahe!)... at kumusta naman! mgkokolehiyo na ang isa kong kapatid at matatamaan na sya ng lintek na TOFI (buti na lang medyo may DOST iskolarship! husay!) at mghahaiskul naman sa private ang isa kong kapatid! at anjan pa ang nalalapit naming paglipat ng tahanan... aba eh, kumusta naman ang kaban! hahaha! gudlak naman parents... huhuhuh... :'(
* holy week na.. hay. malungkot week na.. :(
osha. itutulog ko na toh. nagpapanggap nanaman ako na gumagana utak ko at may nararamdaman ako.. hahaha! andami ko ring nasulat ah! kmusta nman ang kontradiksyon! walag maramdaman pero napaka-madamdamin ng mga nasulat! hehehe! =P
Posted at 03:08 am by pixie_corpse
Permalink
|
|
|